$5.4B na Mislatel deal selyado na

0
70

Tuluy-tuloy na ang pagpasok ng Mislatel Consortium sa telecom industry ng bansa.

Ito ay makaraang lumagda ang Udenna Corp. at China Telecommunications sa mahigit $5 billion na Mislatel Telecommunication deal.

Ang Udenna, China Telecom, at isa pang kumpanya na Chelsea Logistics Holding Corp. ang siyang bubuo sa Mislatel Consortium, na siya namang ikatlong telecommunications service provider sa Pilipinas.

matatandaang ang mislatel ang nanalong bidder sa isinagawang selection process ng National Telecommunications Commission (NTC) at Department of Information and Communications Technology (DICT) noong Nobyembre ng nakaraang taon.

—–