Pasig inilunsad ang ‘mobile palengke’ sa lungsod

0
17

Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Pasig ang ‘mobile palengke’, para maiwasan ang siksikan at pila sa Pasig mega market sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Pasig Mayor Vico Sotto, ito ay bahagi ng pagsusumikap nila na mapaigting ang social distancing habang nakakabili parin ng pagkain ang taumbayan.

Tiniyak naman ni Vico na presyong palengke parin ang mga itinitinda ng mobile palengke ang pinagkaibahan lang ay mas pinalapit ito sa mga mamimili.

Aniya, tulong narin ito ng lokal na pamahalaan sa mga maninindang pasigueno.

Kasabay nito, nag abiso naman ang alkalde na sinimulan narin ang pamimigay ng food o grocery packs sa mga barangay ngunit aabutin ito ng pitong araw bago maikutan lahat ng pinaka mahihirap na lugar sa Pasig.