Ilang grupo dismayado sa inilabas na hatol sa ibang akusado sa Maguindanao Massacre case

0
16

Bagamat ipinagdiriwang ng buong mundo ang naging hatol sa mga pangunahing suspek sa Maguindanao Massacre ay hindi napigilan ng ilang grupo ng militante at mamamahayag na madismaya.

Nais kasi ng grupong Bayan Muna at National Union of Journalist in the Philippines na mahatulang guilty ang lahat ng akusado.

Ayon sa grupo, hindi pa rito natatapos ang laban dahil kanila pang iaapela sa Court of Appeals ang hindi pagpapalaya sa bilangguan ng mga iba pang akusado.

Hinamon rin ng Bayan Muna ang pamahalaang Duterte na tugisin pa ang nasa mahigit 80 na kasabwat ng mga Ampatuan sa karumaldumal na krimen.