DA magsasagawa ng inspeksyon sa mga malalaking supermarket

0
19

Magsasagawa ng inspeksyon ang Department of Agriculture (D.A) sa mga malalaking  supermarket sa bansa para siguruhin na hindi kontaminado ng African Swine Fever (ASF) ang mga binebentang karne ng baboy.

Ito ay matapos kumpiskahin ng mga tauhan ng Quezon City Hall Veterinary Office ang ilang karne ng baboy sa SM Cherry Supermarket sa naturang lungsod dahil pinaghihinalaan umano nila itong may sakit.

Bagamat itinanggi ng Quezon City Hall Veterinary Office na nagpositibo sa ASF ang kanilang mga nakumpiska ay iginiit naman nito na may mga bukbok sa balat ng mga ibinebentang baboy kung kaya’t napilitan silang kumpiskahin ito.