Saturday, May 18, 2024

Ilang ahensya ng pamahalaan suspendido muna ang operasyon dahil sa COVID-19

- Advertisement -

Ilang pang ahensya ng pamahalaan ang sarado ngayon matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang ilan sa kanilang mga tauhan.

Suspendido ang frontline services ng professional regulation commission sa PICC mula ngayon hanggang sa July 24.

Ito ay upang bigyang daan ang disinfection ng pasilidad makaraang magpositibo sa COVID-19 ang anim sa kanilang empleyado.

Nagsasagawa na rin ng contact tracing ang ahensya sa mga nakasalamuha ng kanilang mga nag positibong empleyado.

Sarado rin ang legislative building at iba pang tanggapan sa Paranaque City Hall mula ngayon hanggang July 22.

Hindi binanggit ni Mayor Edwin Olivarez kung mayroong mga nag positibong tauhan ang city hall subalit para anya ito sa containment at disinfection activiies.

Kasama sa mga suspendido ang operasyon Paranaque City Hall ang lahat ng judiciary at iba pang national government offices, tanggapan ng sangguniang panlunsod, treasurer’s office at business permits and licensing office.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -