Isinalang na sa test run ng Metro Rail Transit (MRT)-3 ang ikalawang Dalian train mula China, halos isang buwan matapos ang test run ng unang tren.
Ayon kay MRT-3 Director for Operations Mike Capati, tatagal din ng 150 oras ang test run sa ikalawang Dalian train na kinabitan ng tatlong (3) bagon.
Karaniwan aniyang tumatagal ng 33 araw o mahigit isang buwan ang test bago tuluyang magamit ng mga mananakay.
Oktubre nang idagdag ng MRT-3 sa kanilang operasyon ang unang dalian train na nakapasa sa kanilang test run.