Bagyong Tomas pumasok na sa PAR

0
44

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang typhoon Man-Yi na tatawaging bagyong Tomas.

Ayon sa PAGASA, alas dies y medya kagabi nang pumasok ng PAR ang bagyo sa layong 1,365 kilometro silangan bayan ng Casiguran, Aurora.

Kumikilos ang bagyo pa-hilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro.

Hindi naman inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyong Tomas at wala rin itong direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa.