Ika-5 sunod na linggong ‘big time’ rollback sa langis nakaamba

0
51

Naka-amba na naman ang bigtime rollback sa langis ngayong linggo.

Ayon sa Energy sources, posibleng nasa dos bente singko (P2.25) hanggang dos kwarenta’y singko sentimos (P2.45) ang tapyas sa kada litro ng gasolina habang uno sisenta sentimos (P1.60) hanggang dalawang piso (P2.00) naman ang bawas sa diesel.

Ang pinal na halaga ng rollback ay depende sa resulta ng trading.

Kung sakali, ito na ang ika-limang sunod na linggong nagpatupad ang bawas presyo sa petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

—-