Faeldon di pa pumapasok mula nang maitalagang BuCor Chief

0
59

Hindi pa rin pumapasok sa trabaho bilang Bureau of Corrections (BuCor) Chief si Nicanor Faeldon.

Ito ay kahit halos isang buwan na magmula nang maitalaga siya sa naturang posisyon.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, kanya na itong naipaalam kay Executive Secretary Salvador Medialdea na nangako namang agad na ipapaalam kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing bagay.

Binigyang diin ni Guevarra na hindi ganap na makakaganap sa kanilang trabaho ang BuCor nang wala ang kanilang pinuno.

Dahil dito pansamantala munang itinalaga bilang Officer in Charge ng BuCor si Deputy Director General Melvin Ramon Buenafe.

—-