Radio Philippines Network
Headlines National News

Ika-5 anibersaryo ng Mamasapano massacre ginunita ngayong araw

Inalala ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang 44 nilang kasamahang miyembro ng Special Action Force (SAF) na nasawi sa madugong engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.

Pinangunahan ni PNP Deputy Chief for Operations P/Lt.Gen. Guillermo Eleazar ang pag-alala sa SAF 44 kasama ang kanilang pamilya sa camp bagong diwa sa Taguig City ngayong umaga.

Nag-alay sila ng bulaklak sa itinayong bantayog para sa mga ito, ginawaran ng 21 gun salute at taimtim na naghandog ng panalangin.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Eleazar na hindi kailanman makalilimutan ng sambayanan ang kabayanihang ginawa ng kanilang mga kasama na handang i-alay ang sariling buhay para sa kapayapaan, kaayusan at katahimikan ng bansa.

Magugunitang nasawi ang 44 na miyembro ng SAF sa kamay ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) nang mapintakasi ang mga ito matapos mapatay ang terroristang si Zulkifli Binhir alyas Marwan sa barangay Tukanalipao, Mamasapano, lalawigan ng Maguindanao.

Related posts

Bilang ng kaso ng dengue halos nadoble simula Enero hanggang Hulyo

Powered by DWIZ

Mga tauhan ng Cavite Maritime Police pinakakasuhan ni Albayalde

Powered by DWIZ

Safety measures, ipinalalatag para hindi makapasok ang bubonic plague sa bansa

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More