30 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Mahigit 130 hayop na nasa Taal Volcano Island nasagip ng PETA

- Advertisement -

Tinatayang nasa 132 hayop na ang nasagip ng grupong People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) sa Taal Volcano Island.

Ito’y kahit pa off limits na sa tao ang volcano island ng Taal bunsod ng nagpapatuloy pa ring pag-aalburuto ng bulkan mula pa noong Enero 12.

Ayon sa grupo, may mga nasasagip pa silang buhay na mga hayop tulad ng kabayo, baka, aso at itik sa isla bagama’t marami sa mga ito ay nangamatay na at ang iba’y tila nabubulok na sa isla.

Kabilang sa mga pinakahuling nasagip ang isang aso na pinangalanan nilang si Palakitik na madalas sumalubong sa mga volunteer ng PETA sa tuwing magsasagawa sila ng mga aktibidad sa isla.

Kasunod nito, nag-iwan din ang grupo ng nasa 150 kilo ng pagkain para sa mga nasagip nang hayop at kasalukuyang nasa evacuation zone sa labas ng 14 kilometer radius danger zone.

Dahil dito, patuloy na nananawagan ang PETA sa publiko na nais mag-donate ng mga pakain sa hayop at iba pang mga pangangailangan nito na kung maaari ay ideposito lamang sa kanilang Metrobank account.

Account Name: PETA ASIA-PACIFIC LIMITED

Account Number: 007-066-31632-3

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -