28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Anim patay sa pamamaril sa Germany

- Advertisement -

Patay ang anim na miyembro ng pamilya matapos pagbabarilin ang mga ito ng kanilang kapamilya sa bayan ng Rotam See sa Germany.

Batay sa ulat, tumawag pa umano ang 26 anyos na suspek sa emergency services para sabihing siya ay namaril sa isang restaurant kung saan nasawi ang kaniyang mga kaanak.

Nadakip naman ang suspek matapos nitong hintayin ang mga pulis sa labas ng kainan.

Away pamilya ang tinitingnang anggulo ng mga otoridad sa pamamaril ng suspek.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -