33.2 C
Manila
Monday, April 15, 2024

IBP Camsur Kinondena Ang Pananambang Sa Judge At Aide Nito Sa Camarines Sur, PNP Bubuo Ng Task Force

- Advertisement -

Iriga City –  Kinondena ng Integrated Bar of the Philippines- Cam.Sur ang pag-ambush sa isang RTC Judge at aide nito kahapon sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur .

Kinilala ang mga biktima na si Jeaneth Gaminde San Joaquin, 46-anyos, RTC Judge ng Branch 56 sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur at resident sa Brgy. Tinago, Naga City, habang ang isa naman ay kinilalang aide ng nasabing judge na si Rocelle S. Martinez, 34-anyos na tubong Buhi, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Radyo Ronda-Iriga mula sa Camarines Sur Police Provincial Office, bandang alas 2:30 ng hapon habang lulan ng SUV ang mga biktima ng silay paulanan ng bala mula sa riding in tandem na mga suspect sa Barangay Puro-batia sa nabanggit na bayan.

Tinamaan ang mga biktima sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan mula sa di pa malamang kalibre ng baril.

Agad namang dinala sa Libmanan District Hospital ang mga biktima para sa asistensya medikal.

Sa ngayon nagpapatuloy na ang isinasagawang Pursuit operation ng mga otoridad para sa pagkaka aresto sa naturang mga suspek na agad namang nakatakas matapos ang nasabing krimen.

Kasunod nito, ipinahayag ni P/Col. Roderico Roy, Provincial Director ng PNP sa Camarines Sur na bubuo siya ng isang Task Force upang matutukan ang gagawing inbestigasyon kasabay ng pahayag na lahat ng angulo sa krimen ay kanilang tututukan upang mapanagot ang mga criminal.
(Photo courtesy of Pasada Rinconada)

 

(Source: IBP Camarines Sur)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -