Saturday, May 4, 2024

3 Mangingisda Mula Sa Catanduanes Na Ilang Araw Nagpalutang-Lutang Sa Dagat Na Rescue Ng Mga Mangingisdang Taga Camarines Norte

- Advertisement -

Nasagip ng mga mangingisda mula sa Mercedes, Camarines Norte ang tatlong kapwa mga mangingisda mula naman sa lalawigan ng Catanduanes matapos na ilang araw ang mga itong magpalutang-lutang sa karagatan.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard Station sa Camarines Norte, kinilala ang tatlong nasagip na mangingisda na sina Leo Delos Santos 59, taga Brgy. Tambongon, Zaldy De Jesus 45, na taga Brgy. Buena Vista at Michael Joseph Tojon 23 ng Brgy. Soboc, lahat sa bayan ng Viga, Catanduanes.

Ayon kay Delos Santos, isa sa tatlong nasagip na mangingisda, noong October 14 nang sila ay pumalaot sa karagatang sakop ng Quezon Province.

Sa panahong ito ay nararanasan ang epekto ng bagyong Ofel bahagi ng Quezon at Bicol Region.

Dahil sa malakas na alon na hatid ng bagyo, ay pinasok ng tubig ang bangka ng mga nabanggit na mangingisda.

October 17 nang mamataan sa laot ng mga mangingisda mula sa bayan ng Mercedes ang bangka ng distress fishermen kaya’t hinila nila ito patungo sa Brgy. 4 sa naturang bayan at dumating ang mga ito noong October 18.

Inireport ng Punong Barangay ang pangyayari sa PCG na siya namang nakipag ugnayan sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Sinasabing nang pasukin ng tubig ang bangka ng tatlong mangingisda ay napilitan umano ang mga itong itapon na lamang ang makina nito upang huwag silang lumubog.
(Photo courtesy of Coastguard Cam Norte)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img