2 detachment ng pulisya sa Negros Oriental sinalakay ng NPA

0
46

Sugatan ang isang pulis makaraang salakayin ng mga tropa ng NPA o New People’s Army ang dalawang regional mobile force battalion detachment sa bayan ng Guihulngan sa Negros Oriental.

Ayon kay Supt. Mario Baquiran, Chief of Police ng Guihulngan-PNP, nagtamo ng tama ng bala ng baril sa tiyan ang pulis na hindi muna pinangalanan at agad dinala sa pagamutan.

Batay sa paunang imbestigasyon, sinakalay ng hindi bababa sa limampung armadong lalaki ang regional mobile force battalion detachment sa mga barangay Balogo at Bulado sa naturang bayan.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa naturang insidente.

Una nang inalerto ni PNP Chief Dir/Gen. Oscar Albayalde ang lahat ng himpilan ng pulisya hinggil sa ipinatutupad na ‘Oplan Supermarket’ ng CPP-NPA.