(Baguio City) Iba’t ibang gawain ang inihahanda para sa parating na Summer Vacation 2023 dito sa lungsod ng Baguio matapos ang pagluwag ng paghihigpit sa paglalakbay dahil sa pandemnya. Ito ang ipinahayag ni binibining Rachelle Ann Montoya, ang Tourism Operations Officer II ng City Tourism Office. Anya isa sa mga bagong gawain para sa taong ito ang pagbibigay pansin sa mga iba’t ibang horse trails dito sa lungsod ng Baguio sa pamamagitan ng reel/video competition.
Ang lahat ng naninirahan sa lungsod maging ang turista ay maaring upload ng video o reel sa social media accounts nila na nakasakay sa kabayo kasabay ng kanilang pamamasyal sa mga horse trails dito sa lungsod na may habang 30 segundo hangang 60 segundo o isang minute.
Sa kasalukuyan, ang nananatiling horse trails ay matatagpuan sa Happy Hallow Horse Trail at ang loading area ay sa Country Club, Camp John Hay Horse Trail, at sa Wright Park. Inihahanda pa lang ang loading area ng Atok Trail, doon sa Pacdal. Ipinaliwanag ni Ms. Montoya na may mapipiling mananalo sa nasabing kompetisyon. P15,000.00 ang premyo sa 1st place; P10,000.00 para sa 2nd place; at P5,000.00 para sa ika 3rd place.
Ang pag-upload ng reel ay mula Abril a 6 hangang Mayo a 26, 2023. Mailalathala sa madla ang alituntunin para sa kompetisyon o patimpalak sa susunod na linggo. Maliban sa nasabing gawain, bilang bahagi ng gawain sa SUMVAC ay ang Araw ng Kagitingan na sa Abril 11 sa Veterans Park.
Itinakda ng lokal na gobierno ng lungsod sa hapon kasabay ng paglubog ng araw ang pagsasagawa ng programa. Ganon din ang Holy Week Activities ng iba’t ibang religious sector, ang Search for the Lucky Summer Visitor sa pamamagitan ng Baguio Correspondents and Broadcasters Club, ang Labor Day Jobs Fair sa Mayo 1, 2023, at iba pa. (RPN-Baguio/Joel Cervantes)
Photo Courtesy: PIO Baguio