IATF nakikipag-ugnayan na sa DTI sa balak na magbigay ng palugit ang mga landlords sa renta

IATF nakikipag-ugnayan na sa DTI sa balak na magbigay ng palugit ang mga landlords sa renta

by Powered by DWIZ
43 views

Hindi kayang obligahin ng pamahalaan ang mga landlords na huwag munang pagbayarin ng renta ang kanilang mga tenants sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine.

Ayon kay Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) Spokesperson at Cabinet Sec. Karlo Alexi Nograles, hindi kasi maaring pang himasukan ng gobyerno ang mga pribadong sektor.

Gayunman, inamin naman ni Nograles na makikipag-ugnayan sila sa Dept. of Trade and Industry (DTI) para sa naturang usapin lalo na’t batid nila na malaking ginhawa para sa publiko kung bibigyan ng mga landlord ng palugit sa renta ang kanilang mga tenants lalo na’t maraming manggagawa ang apektado ng enhaced community quarantine.

0 comment

Related Posts