29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

IATF nakatakdang mag pulong sa susunod na linggo hinggil sa bagong guidelines

- Advertisement -

Nakatakdang mag pulong sa susunod na linggo ang Inter Agency Task force on Emerging Infectious Diseases (IATF) hinggil sa posibleng kahinatnan ng mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ.

Sa isang panayam, sinabi ni IATF at Presidential Spokesman Harry Roque na isinasapinal na ng IATF ang bagong guidelines para sa mga lugar na nasa ECQ, MECQ at general community quarantine (GCQ).

Aniya, dapat kasi na matiyak na ng pamahalaan ang susunod na hakbang lalo na’t nalalapit nang magtapos ang mga umiiral na protocols sa ilang mga lugar sa darating na Mayo 31.

Giit pa ni Roque, mahalaga kasing maging malinaw ang mga protocols partikular na sa mga gcq areas lalo na’t lahat ng lugar sa bansa ay kailangan ding ilipat sa GCQ.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -