Senado isinusulong na isailalim sa COVID-19 test ang mga manggagawang kabilang sa ‘vulnerable sectors’

Senado isinusulong na isailalim sa COVID-19 test ang mga manggagawang kabilang sa ‘vulnerable sectors’

by Powered by DWIZ
32 views

Isinusulong ngayon sa Senado ang isang panukala para otomatikong isailalim sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) tests ang lahat ng mga manggagawang kabilang sa tinatawag na ‘vulnerable sectors’.

Sa ilalim ng Senate Bill number 1535 o ang Crushing Covid Act na isinumite ni Sen. Sonny Angara, nakasaad dapat gawing prayoridad ng pamahalaan na ma-itest ang mga sumusunod na manggagawa, at indibidwals:

  • Health care workers
  • Embalsamador
  • Buntiss
  • Mga empleyado sa groceries, supermarkets at public markets
  • Manggagawa sa pabrika
  • Food handlers
  • Construction workers
  • Security guards at drivers
  • Mga personnel sa bangko, at transfer fund facilities
  • Laundry shop workers
  • Caregivers
  • Mga nasa unipormadong hanay
  • Media workers

Otomatiko din dapat na isailalim sa COVID-19 ang mga manggagawang mayroong diabetes, altapresyon, pulmonary diseases, at cancer.

Giit pa ng senador, dapat din na sagutin ng PhilHealth ang gastusin para sa mga COVID-19 tests.

Aniya, hanggat hindi kasi nagsasagawa ang pamahalaan ng mass testing ay mahihirapan ang pamahalaan na labanan ang COVID-19.

0 comment

Related Posts