Meralco maglalabas ng bagong bill para sa mga buwan na nakasailalim sa ECQ

Meralco maglalabas ng bagong bill para sa mga buwan na nakasailalim sa ECQ

by Powered by DWIZ
36 views

Maglalabas ng bagong billing ang Meralco para sa mga nakunsumo sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).

Itoy bilang pagsunod sa bagong guidelines na ipinalabas ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa harap ng napakaraming reklamo sa natanggap nilang Meralco bill na halos anim na beses umano ang pagtaas.

Inatasan na ng ERC ang Meralco na magsagawa na ng meter reading hanggang June 8 upang ang aktuwal na konsumo talaga ang maibigay nila sa kanilang customers.

Batay sa utos ng ERC, ang mga kumukonsumo ng mababa sa 200 kilowatt hour ay maaring magbayad ng installment hanggang anim na buwan samantalang hanggang apat na buwan naman ang sa mga may konsumong mataas sa 200 kilowatt hours.

0 comment

Related Posts