HUDCC secretary general sinibak sa pwesto ng Pangulong Duterte

0
45

Sinibak sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Secretary General Falconi V. Millar dahil umano sa pagkakasangkot sa katiwalian.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, “effective immediately” ang naturang utos ng pangulo.

Tiniyak naman ng Malakanyang na hindi makakaapekto sa operasyon ng HUDCC ang pagkakasibak ng kanilang secretary general.

Sa ngayon ay wala pang inaanusyo ang Malakanyang na kapalit ni millar.

Una rito, sinabi ni Pangulong Duterte na nakalinya na ang mga opisyal ng pamahalaan na kaniyang sisibikin bilang bahagi ng kampanya laban sa katiwalian.