SRP ng mga bilihin sa merkado posibleng magkaroon ng roll back

0
40

Posibleng magkaroon ng roll back sa suggested retail price (SRP) ng mga bilihin sa merkado.

Ito ang inahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) bunsod ng sunod-sunod na tapyas sa presyo ng langis.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, kanila nang pinagaaralan ang pagbabalik ng orihinal na SRP ng mga bilihin sa merkado.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na DTI sa iba pang ahensya para ma-kwenta nang tama ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Inaasahang sa Disyembre 1 i-aanunsyo kung magkakaroon ng pagbabago sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Magugunitang naitala nitong linggo ang ika-anim na linggong sunod-sunod na roll back sa presyo ng langis.