Rep. Bravo sugatan matapos bumagsak ang sinasakyang helicopter

0
48

Sugatan ang isang kongresista matapos bumagsak ang sinasakyang helicopter sa Capas, Tarlac kahapon.

Kinilala ang nasabing opisyal na si COOP-NATCCO Party-list Rep. Anthony Bravo.

Ayon kay Rene Buendia, chief of staff ni Bravo, nagalusan ang kongresista dahil sa insidente habang nagtamo ng sugat sa ulo ang piloto ng helicopter at bali naman aniya ang braso ng isang crew nito.

Dakong ala una trentay singko ng hapon ng umalis ang naturang sokol helicopter ng Philippine Air Force lulan ang apat na crew at walong pasahero.

Kalahok umano ang mga naturang pasahero sa isang legislative stakeholder engagement activity sa nasabing lugar.

Sa ngayon ay inaalam ng mga otoridad an sanhi ng nangyaring “air mishap”.