HPG kayang ipatupad ang 5 minutong byahe mula Cubao hanggang Makati City

0
36

Kayang ipatupad ng HPG o Highway Patrol Group ang limang minutong biyahe mula Cubao hanggang Makati City na tulad ng pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa katunayan, sinabi ni Brig. General Roberto Fajardo, hepe ng PNP HPG, posibleng mangyari ito bago mag Disyembre na siyang pangko ng pangulo.

Kabilang sa mga target ipatupad ng HPG para sa mas mabilis na biyahe ang pagpapasara sa bus terminals, paglipat ng mga harang sa mga bus at paglipat sa motorcycle lane.

Gayunman, inamin ni Fajardo na posibleng malabo itong maabot kapag peak hours.

Nagsagawa anya sila ng simulation para sa planong ito dakong ala 1:00 ng madaling araw mula boundary ng Guadalupe patungo ng Cubao.