2 malakas na bagyo ang kailangan para magbalik sa normal ang water level ng Angat Dam — PAGASA

0
46

Mangangailangan pa ng dalawang malakas na bagyo bago magbalik sa normal ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Ayon sa PAGASA, mangangailangan ng malakas at tuloy tuloy na pag ulan ang Angat at hindi katulad ng nararanasan ngayon na thunderstorms at pulo pulong pag ulan lamang.

Kailangan rin umanong direktang ulanin ang Angat Water Shed upang mapakinabangan ng dam ang ulan.

Ipinaliwanag ng PAGASA na tuyong tuyo na ang lupa sa Angat Water Shed kaya’t sinisipsip lamang nito ang ulan at hindi na nakakadaloy sa dam.