Mga bangkang ipinagkaloob ng D.A nagagamit na ng ‘Recto Bank 22’

0
46

Nagagamit na ng tinaguriang ‘Recto Bank 22’ ang mga bangkang ipinagkaloob sa kanila ng Dept of Agriculture.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang test run para sa mga bangka.

Nilinaw ni Piñol na hindi nila pinalitan ang mga engine na sinasabing hindi akma sa bangka kundi nagkaroon lamang ng adjustment sa mga turnilyo dahil hindi ito magkasya sa frame ng bangka.

Sinabi ni Piñol na magagamit ang mga bangka para mangisda sa municipal waters ng Occidental Mindoro na mayaman sa mga isdang tulingan, galunggong, tambakol, gulyasan, dalagang bukid, talakitok, sapsap at tamban habang hinihintay nilang maayos ang FB GERM-VIR 1 na binangga ng Chinese vessel sa Recto Bank.