Umakyat na sa pang 22 pwesto ang Pilipinas sa buong mundo, pagdating sa bilang ng mga naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay matapos na maitala sa bansa ang 228,403 ng COVID-19.
Batay sa tala ng World Health Organzation (WHO), pumapalo na sa 26.15-milyon ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo matapos na kumalat ng virus sa 210 bansa.
Sa bilang na ito, nasa 873,118 ang bilang ng mga nasawi at nasa 18,660,112 naman ang bilang ng mga nakarekober.
Samantala, nangunguna pa rin naman ang Estados Unidos bilang bansang may pinakamaraming bilang ng mga naitatatlang positibong kaso ng COVID-19 kung saan mayroon na itong kabuuang 6,122,78 na bilang ng kaso ng COVID-19.