Pagdawit kay Tugade sa pagpili ng House Speaker sa 18th congress pinalagan – DOTr

0
45

Pinalagan ng Department of Transportation (DOTr) ang pagdawit ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza kay Transportation Sec. Arthur Tugade sa pagpili ng House Speaker sa 18th congress.

Sa pahayag na inilabas ng DOTr, nanindigan ito na hindi nakikialam ang ahensya, o si Sec. Tugade sa internal affairs ng sangay ng lehislatura.

Bukod dito, wala din anila silang plano na panghimasukan ang naturang usapin.

Kaugnay nito, tiniyak rin ng DOTr na iginagalang nila ang separation of powers sa pagitan ng tatlong sangay ng pamahalaan.

Matatandaang, isiniwalat ni Atienza na ilang mga miyembro ng gabinete ang umano’y nanghihimasok sa pagpili ng susunod na House Speaker.