Hindi dapat masamain ang pahayag ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua — Panelo

0
41

Hindi dapat masamain ang naging pahayag ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na paano kung espiya rin ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nasa China.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ipinabatid mismo sakaniya ni Zhao na opinyon lamang niya ang kaniyang tugon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Kaugnay nito, nilinaw rin ni Panelo na posibleng “taken-out-of-context” lamang ang naging pahayag ni Zhao, at maaring ang nais lamang nitong iparating ay masyadong security conscious ang Pilipinas.

Matatandaang, inihayag ni Lorenzana na posibleng magamit pang espiya ang mga POGO hubs na malapit sa mga kampo militar.