Water level sa Angat malapit na sa minimum operating level

0
66

Malapit nang pumalo sa minimum operating level ang Angat dam.

Ito ay matapos muling madagdagan ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na 24 oras.

Batay sa pinaka huling tala ng PAGASA Hydrology Division, umabot na sa 177.54 meters ang antas ng tubig sa Angat kung saan halos tatlong metro na lamang ay babalik na ito sa 180 meters na minimum operating level.

Kaugnay nito, bahagya rin namang nadagdagan ang water level sa La Mesa, Ambuklao, Binga at San Roque dam.

Samantala, muli namang nabawasan ang water level sa Ipo, Pantabangan, Magat at Caliraya Dam.