DND hindi ikinatuwa ang pagdududa ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa mga OFW sa China

0
48

Hindi ikinatuwa ng Dept. of National Defense (DND) ang naging pagdudu-duda ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na posibleng nang-i-ispiya ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa China.

Ito ay ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, kung saan tinawag nitong “most proposterous statement” ang naging pahayag ni Ambassador Zhao.

Una rito, minaliit lamang ng China ang pangamba ng pamahalaan na posibleng magamit pang-ispiya ang mga POGO hubs na itinayo malapit sa mga kampo militar.

Paliwanag ni Lorenzana, hindi maaring ihalintutad ang POGO sa mga manggagawang Pilipino na nasa bansang Tsina.

Aniya, ang mga OFW’s sa China ay may mga lehitimong trabaho, at may kaukulang visa hindi aniya kagawa ng mga POGO workers na dumating sa bansa nang mayroong iba’t-ibang layunin.

Matatandaang, labis na ikina-alarma ni Lorenzana ang POGO hubs na itinayo malapit sa mga kampo militar dahil maari itong gamitin upang makakuha ng impormasyon sa kampo.