Isang miyembro ng NCRPO nagpositibo umano sa paggamit ng iligal na droga

0
33

Namemeligrong mawalan ng trabaho ang isang miyembro ng National Capital Region Police Office o NCRPO makaraang magpositibo umano sa paggamit ng iligal na droga.

Ayon kay NCRPO Chief Brig. Gen. Debold Sinas, si Police Corporal Sonny Florence ay masisibak sa puwesto bilang bahagi ng internal cleansing program ng Philippine National Police.

Batay sa confirmatory drug test ng PNP Crime Laboratory, sinasabing positibong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot si Florence.

Dagdag ni Sinas, sasampahan ng kasong grave misconduct si Florence at maaaring matanggal sa serbisyo bilang parusa.