Higit 600 pasahero stranded sa mga pantalan dahil sa Bagyong ‘Ramon’ — PCG

0
14

Mahigit 600 mga pasahero ang na-istranded sa ilang pantalan sa bansa dahil sa Bagyong ‘Ramon’.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), karamihan sa mga na-istranded ay nasa pantalan sa Tabaco City, Albay; Matnog sa Sorsogon; Pioduran sa Albay ; Pilar, Sorsogon at Catanduanes.

Samantala, kanselado na ang pasok sa pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas sa Albaya, Sorsogon at Catanduanes.

Nakataas ang signal number 2 sa Catanduanes habang signal number 1 naman sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay at Sorsogon.