Bandalismo sa Lagusnilad kinondena ng DILG

0
11

Kinondena ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang ginawang bandalismo sa Lagusnilad.

Ayon kay DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, nakakahiya ang pambababoy na ginawa sa lugar matapos itong linisin ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Aniya, nirerespeto nila ang karapatan ng mga grupo ngunit ipinaalala nito na ang lahat ng klase ng karapatan ay mayroong hangganan at kaakibat na responsibilidad.

Magugunitang inako ng grupong Panday Sining ang vandalism sa Lagusnilad na lubos na ikinagalit ni Manila Mayor Isko Moreno.