Higit 400 Pinoy mula Japan inaasahang darating sa PH mamayang gabi —Duque

Higit 400 Pinoy mula Japan inaasahang darating sa PH mamayang gabi —Duque

by Powered by DWIZ
130 views

Inaasahang mamayang gabi darating sa bansa ang mahigit 400 Pilipino mula sa MV Diamond Princess.

Ipinabatid ito ni Health secretary Francisco Duque III na nagsabi ring ngayong hapon aalis sa Haneda Airport sa Japan ang dalawang chartered flights sakay ang mga nasabing Pinoy.

Limang oras aniya ang biyahe mula Haneda patungong Pilipinas ng mga nasabing Pinoy na anim lamang ang pasahero at ang iba ay pawang crew members na ng cruise ship.

Ang mga naturang Pinoy ay sasailalim sa pagsusuri bago pasakayin ng bus na maghahatid sa kanila sa Haneda Airport kung saan nakaabang na ang quarantine officials ng Japan at Pilipinas na muling susuri sa kanila.

Panibagong pagsalang na naman sa pagsusuri ang gagawin sa mga naturang Pinoy kapag nakarating na sa bansa bago dalhin sa New Clark City sa Tarlac kung saan sila mahigpit na babantayan ng Health officials.

0 comment

Related Posts