CBCP nanawagan na ipagdasal si Pangulong Duterte

0
46

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ipagdasal si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos ang naging pangungutya ng Pangulo sa mga santo sa kasagsagan ng All Saints’ Day kung saan tinawag pa niya ang mga itong tarantado at lasenggo.

Ayon kay CBCP Vice President at Kalookan Bishop Pablo Virgillio David, dapat na ipagdasal ng bawat isa ang Pangulo na inilarawan niyang very sick man at marapat aniyang maging mahabagin ang lahat sa mga may sakit.

Aniya, walang bago sa naging pangungutya sa mga santo dahil dapat na maging handa ang mga Kristiyano na matawag na mangmang para kay Kristo tulad ng sinabi ni San Pablo sa unang aklat ng Korinto.

—-