35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Hero’s welcome para kay Miss Universe 2018 Catriona Gray ikinakasa na

- Advertisement -

Ikinakasa na ng lokal na pamahalaan ng Albay ang hero’s welcome  para kay Miss Universe 2018 Catriona Gray matapos ang kanyang pagkapanalo sa pinaka-prestihiyosong beauty pageant  sa Bangkok, Thailand.

Nagdiwang ang mga kababayan ni Catriona makaraang mapanood sa malaking TV monitor sa covered court sa bayan ng Oas ang pagbanggit sa kanyang pangalan bilang bagong Miss Universe.

Napa­sayaw at napatalon pa sa si Mayor Domingo Escoto Jr. kasama ang mga kababayang nanood sa covered court.

Ayon kay Escoto, walang kapantay na kaligayahan ang kanilang nararamdaman sa pagkapanalo ng 24 years old na dalagang anak ng kababayang si Normita Ragas Magnayon.

Magugunitang isang hero’s welcome din ang sumalubong kay Catriona nang masungkit nito ang korona sa Miss World 2016 sa pamamagitan ng isang parada.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -