34.5 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Panibagong LPA sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA

- Advertisement -

Binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang isang low pressure area (LPA) sa labas ng bansa.

Ayon sa PAGASA, bagama’t maliit ang tiyansa na maging ganap na bagyo ang namataang LPA, magdudulot pa rin ang buntot nito ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa ilang bahagi ng bansa.

Partikular na sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Sultan Kudarat at Sarangani.

Samantala, patuloy pa ring nakakaapekto sa malaking bahagi ng Luzon ang northeast monsoon o amihan.

Magdadala naman ito ng mahinang pag-ulan sa Cagayan, Cordillera Administrative Region at lalawigan ng Aurora.

Habang ang nalalabing bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila, Visayas at Mindanao ay makararanas naman ng maaliwalas na panahon maliban na lamang sa mga local thunderstorms sa pagsapit ng hapon o gabi.

—-

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -