‘Hello, Love, Goodbye’ umabot na sa P250-M ang kita sa takilya

0
56

Tunay ngang patok sa takilya ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” na pinagtambalan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Ito ay matapos umabot sa mahigit P250-M ang kita ng pelikula sa loob lamang ng limang araw.

Sa isang pahayag, pinasalamatan ng Star Cinema ang lahat ng tumangkilik sa naturang pelikula.

Sa ngayon, patuloy namang nakakatatanggap ng magandang reviews ang pelikula na binuo sa direksyon ni direk Cathy Garcia-Molina.