Aabot sa 27 katao ang kumpirmadong patay, habang anim naman ang patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad sa pagtaob ng tatlong motor banca sa karagatan ng Iloilo-Guimaras noong Sabado.
Ito ang naging paglilinaw ni PCG Spokesman Commander Armand Balilo, matapos mapaulat na sumampa na sa 31 ang bilang ng nasawi sa naturang aksidente.
Aniya, sa ngayon ay may anim na katao pa ang nawawala at patuloy na hinahanap ng mga otoridad.
Kaugnay nito, tiniyak rin ng opisyal na nakasentro sila sa pagsasagawa ng search and rescue operations.
Sa ngayon, sinabi naman ni Balilo na ikinakasa na nila ang imbestigasyon sa naturang insidente.