Sinusulong ni Sen. Pangilinan ang P1-B sa konstruksyon ng equipment at machineries para sa mga magsasaka

0
55

Isinusulong ngayon ni Sen. Francis Kiko Pangilinan ang paglalaan ng P1-B para sa konstruksyon ng warehouse at rice mill sa bawat rice-producing district.

Ito ay sa harap ng walang humpay na rice importation sa bansa sa ilalim ng rice tariffication law.

Sa ilalim ng Senate Bill Number 33 o Post-Harvest Facilities Support Act, isinusulong ng senador ang equipment at machineries na bibilhin ng pamahalaan at ibebenta sa accredited farmer cooperative.

Giit ni Pangilinan, kapag may sapat na pasilidad ang mga magsasaka sa bansa ay mabawawasan ang ma-aaksayang palay, at lalaki ang kita ng mga Pilipinong magsasaka.