Hangad ng lokal na gobierno ng lungsod ng Baguio na magtayo ng rainwater harvesting facility

0
12

Baguio City – Pinag-iisipan ngayon ng mga opisyal ng lungsod ng Baguio bilang pangunahing proyekto ng suidad ang pagtatayo ng rainwater harvesting facility system sa mismong city hall at iba pang pag-aari ng lungsod ng Baguio na aayon sa water conservation and recycling program ng pamahalaang national.

Ayon sa Resolusyon No. 489, series of 2023, sinabi ng mga lokal na mambabatas, patuloy ang ginagawa ng lokal ng gobierno upang makahanap ng paraan upang maibsan ang kakulangan ng tubig sa lungsod at kilalanin ang banta ng kakulangan ng tubig sa Baguio.

Ayon sa sa lokal na konseho, kailangan gumawa ang lokal na gobierno ng lungsod lahat ng maaring paraan upang matiyak na may tubig na magagamit ang mga taga Baguio ngayong panahon na ito at ang susunod pang henerasyon.

Kung inyong matatandaan, nagpalabas ang Department of Interior and Local Government ng Memorandum Circular No. 12-02 noong Enero a 3, taong 2012 na nag uutos sa pagtatayo ng rainwater collectors sa lahat ng mga barangay upang maibsan ang matinding epekto ng climate change.

Noong hunyo a 14, ng taong 2017, nagpalabas din ang nasabing ahensiya ng Memorandum Circular No. 2017-76 na bumabalangkas ng alituntunin at patakaran para sa pagtatayo ng rainwater collectors sa iba’t ibang barangay. (Joel Cervantes, photo courtesy of Brgy. Session Road)

Leave a Reply