3 PNPA cadets sisibakin ni Duterte kaugnay sa ‘oral sex’

0
63

Sisibakin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) na pumilit sa dalawang lalaking plebo niya na mag oral sex bilang parusa sa pagsuway sa kanilang utos.

Ito ayon sa pangulo ay matapos niyang mabasa ang report hinggil sa nasabing insidente sa PNPA sa Silang, Cavite nuong Oktubre 6.

Sinabi ng pangulo na hindi niya matanggap ang pag dehumanize at pagnanakaw sa dignidad ng dalawang police cader na kagagawan ng upper class cadet.

Una nang inihayag ng pnpa na pinilit ng upper class cadet ang dalawang first year students na mag oral sex habang nanunuod ang dalawa pang kadete.