Halos kalahati ng mga nasawi sa COVID-19 sa bansa ang hindi na-ospital, o nadala sa mga medical facilities.
Batay sa datos ng Department of Health, 48% o katumbas ng 1,286 mula sa kabuuang 2,681 bilang ng mga nasawi sa COVID-19 ang hindi man lamang nadala sa ospital o kahit anong medical facilities.
Dahil dito, Sinabi ni Sen. Joel Villanueva na labis na naka-aalarma ang naturang datos, at sumasalamin lamang ito sa kung paano pinangangasiwaan ng pamahalaan ang COVID-19 crisis.
Habang, natuklasan din na pito sa bawat sampung aktibong kaso ng COVID-19 o katumbas ng 73% ng mga kritikal na kaso ang hindi rin naka-admit sa mga medical facilities.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Health Sec. Francisco Duque III na patuloy naman na pinapalawig ng pamahalaan ang health care capacity ng bansa kung saan nasa 250 intermediate bed capacity sa isang pasilidad sa Quezon City ang inilaan para sa mga mild at asymptomatic COVID-19 patients.