Wednesday, May 1, 2024

Bayanihan 2 nakatakdang ratipikahan ng Kongreso ngayong araw

- Advertisement -

Nakatakda nang ratipikahan ng Kongreso ngayong araw ang Bayanihan 2 o Bayanihan to Recover as One Act.

Ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara, nasa 10 hanggang 12 probisyon na lamang ng Bayanihan 2 ang kanilang dapat na tapusin kaya’t maari nang maratipikahan ang nasabing panukala ngayong hapon.

Una rito, napagkasunduan ng Senado at Kamara na itakda sa P162 billion ang pondo para sa Bayanihan 2.

Batay kasi sa inisyal na alokasyon ng Senado ay nasa P140 billion lamang ang halaga ng pondo para sa Bayanihan 2 kaugnay na rin ng rekumendasyon ng Department of Finance.

Samantala, aprubado na naman ng bicam ang ilang mga probisyon ng panukala kabilang na ang P15,000 na sickness benefit para sa mga health workers na mayroong mild at moderate COVID-19, one-time cash assistance para sa mga teaching at non-teaching personnels mula sa mga pribadong paaralan, pati na ang mga part-time faculty members ng mga state universities at colleges.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img