Umento sa sahod ng pangulo at government employees nakatakda na

0
50

Aabot na sa halos 400,000 piso ang sweldo ng pangulo ng bansa kapag naibigay ang ika apat na bahagi ng umento sa sahod para sa mga opisyal at manggagawa ng pamahalaan.

Nakatakda nang matanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte at lahat ng government employees ang ika apat at huling tranche ng umento sa kanilang sahod.

Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order no. 76 kung saan pinapayagan ang pamahalaan na maghanap ng pondo sa 2018 national budget upang mai pampuno sa salary increase ng government employees.

Noong Enero pa dapat nagkabisa ang salary increase subalit hindi ito mapondohan dahil hindi pa naipapasa ang 2019 national budget.

Ang Pangulong Duterte ang kauna unahang pangulo na nag benepisyo sa Executive Order no. 201 ni dating pangulong Noynoy Aquino kung saan itinataas ang suweldo ng lahat ng manggagawa ng pamahalaan mula pangulo pababa pero hinati ito sa apat na tranches.

Si Aquino ay sumuweldo ng 120,000 piso sa kabuuan ng anim na taon niyang termino.