Halaga ng pinsala ng magnitude 6.1 na lindol aabot sa 50-M piso

0
44

Aabot sa 50 milyong piso ang halaga ng irrigation canals at dams ang nasira dahil sa pagtama ng magnitude 6.1 na lindol sa ilang bahagi ng Luzon noong Lunes.

Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol, naitala ang pinaka malaking pinsala sa Cong Dadong Dam sa Arayat, Pampanga kung saan aabot sa 20 milyong piso ang halaga ng pinsala ng lindol.

Sampung milyong piso naman ang halaga ng nasira sa Dinalupihan Dam sa Bataan.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Piñol na wala silang naitalang pinsala sa mga pananim sa mga nasabing lugar.