Friday, May 10, 2024

Bilang ng nasawi sa magnitude 6.1 na lindol sa Metro Manila umabot na sa 16

- Advertisement -

Umabot na sa 16 katao ang bilang ng mga nasawi sa tumamang magnitude 6.1 na lindol sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon noong Lunes.

Batay sa datos na inilabas ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council, pinaka-matinding naapektuhan ng lindol ang lalawigan ng Pampanga kung saan 12 katao ang napaulat na nasawi sa Porac, dalawa sa Lubao, habang isa naman sa bayan ng Angeles.

Maliban dito, may isa rin namang naitalang nasawi sa bahagi ng San Marcelino sa Zambales.

Samantala, 81 naman ang naitalang sugatan habang 15 ang patuloy pa ring hinahanap ng mga otoridad.

Matatandaang, naitala ang episentro ng lindol sa Castillejos, Zambales kung saan nasa 29 na gusali ang nasira ng lindol.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -