PHIVOLCS muling nagbabala ukol sa mga kumakalat na fake news kaugnay sa lindol

0
48

Muling pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang publiko hinggil sa pagkakalat ng mga peke o hindi beripikadong balita kaugnay ng tumamang lindol sa Eastern Samar, kahapon.

Ayon sa PHIVOLCS, hindi nagbibigay prediksyon ang ahensiya ukol sa naranasang lindol.

Kaugnay nito, pina-i-iwas rin ang mga netizens sa pag-se-share ng mga pekeng balita sa social media.

Matatandaang, tumama ang magnitude 6.5 na lindol sa Eastern Samar at ilang bahagi ng Visayas dakong ala 1:37 kahapon.