Monday, May 13, 2024

Halaga ng nasirang pananim dulot ng El Niño pumalo na sa P7.9-B

- Advertisement -

Umabot na sa P7.9-B ang halaga ng mga nasirang pananim dahil sa El Niño.

Ito ay batay sa pinaka huling tala ng Department of Agriculture (DA).

Tinatayang nasa 277,890 ektaryang lupain ang apektado ng tagtuyot kung saan 250,000 magsasaka ang naapektuhan ang kabuhayan.

Kabilang sa mga produktong apektado ay bigas, mais at maging ilang palaisdaan.

Ngunit ayon kay Agriculture Assistant Secretary Andrew Villacorta, kumpiyansa pa rin ang ahensya na maaabot nito ang target na kota sa produksyon ng mais at bigas.

Kasabay nito, tiniyak ni Villacorta ang nakahandang tulong para sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -